"GUSTO"
Meron akong gusto
Gustong-gusto na tao
Aaminin ko na sa iyo
Na ikaw ang gusto ko
Oo, totoo to
May gusto sa iyo
Ang babaeng ito
na pusong bato
Maputi, matangkad, gwapo
Ito'y ilalarawan ko sa iyo
Seryoso, tahimik, mysteryoso
Ganito ang ugali mo
Sa tuwing kita'y nakikita
Puso ko'y sumisigla
Alam ko hindi ito halata
Dahil ayoko magmukhang tanga
Marami man nagkakagusto sa akin
Pero ikaw lang ang lagi kong iniisip
Sa iyo lang ako nakikilig
Sa iyo lang ako umiibig
Lagi ko na lang iniisip
Kung may gusto ka rin sa akin
Parang oo, parang hindi
Hindi na ako mapakali
Sabihin mo na sa akin ang totoo
Pinapansin mo ba ako?
Ako ba ang tibok ng iyong puso?
May tsansa ba maging tayo?
Pero sayang. May gusto kang iba
Ginagastos mo ang pera mo sa kanya
Hindi ako magiging katulad niya
Dahil mahal na mahal mo ang DOTA
No comments:
Post a Comment